Monday, July 12, 2004

Para sa Isang kaibigan

Siya yung taong kumukumpleto sa buhay mo. Siya ang nagbibigay ng kulay sa lahat ng bagay sa mundo mo. Sa kaniya na umiikot ang mundo mo. Siya yung taong pag wala na parang ayaw mo ng mabuhay. Siya yung karugtong ng buhay mo.

Pero dumadating ang mga pagkakataon na nasasaktan ka...Masakit kahit alam mong wala kang karapatang masaktan. Ang alam mo lang ay nagkakasundo kayo at walang kaparis ang kaligayahan mo pag magkasama kayo at para sa iyo ito ang mahalaga. May nararamdaman ka para sa kanya at para sa iyo sapat na ito para ituring mong sayo siya. Mahirap yung mahal na mahal mo ang isang tao na sa puso at isipan mo ay inangkin mo na siya. tapos malalaman mong hindi naman pala para sayo. Masakit alam ko...Masakit pero kakayanin mo.

No comments:

Post a Comment