Do you know that when you tell a joke, 50% of it is true? That way you can say what you really feel and yet not become too vulnerable. (From The Sweetest Thing)
Sa ilang buwan ng mga paguusap, pagkikita, pagttxt natin, madalas mo kong biruin. Alam ko ang biro hindi totoo kaya pinipilit kong di maniwala. Sabagay, mga bola lang naman ang karamihan dun, kahit na sabihin mo pang hindi. Mga bagay na sinasabi just to make me feel better kahit naman sa tingin ko hindi totoo.
Pero tuwing magbibiro ka hindi ko alam kung bakit naniniwala ako. O umaasa ako na sana kahit papano may katotohan kahit na kaunti sa mga biro mo. Ang saya kasing isipin na handa kang gawin kahit ano para sakin. Ang saya din isipin na matagal ka ng may gusto sakin. Kahit na alam kong nagbibiro ka lang pag sinasabi mo yun. Sino ba naman ako para magustuhan mo, ang dami namang ibang babae diyan na maaring may gusto sayo. At saka ayokong bigyan ng malisya yung mga ginagawa mo para sakin, wala ka naman kasing sinasabi bukod sa mga palagi mong pagbibiro. At saka parang masyado pang maaga para sumuong ulit sa ganitong sitwasyon. Hindi ko pa kasi nakakalimutan ang sakit ng nawalang pag-ibig.
Pero nagpapasalamat parin ako kasi napapasaya ako ng mga biro mo. Napapatawa mo ako kahit papano. Tinulungan mo akong aliwin yung sarili ko para hindi na magisip ng mga bagay na hindi na dapat iniisip. Kaya ngayon nagbibiro na rin ako. Yung mga biro ko nga lang may bahid ng katotohanan.
Napapansin mo kaya?
No comments:
Post a Comment