Napapansin mo kaya?
Ang sagot sa tanong ko:
onga naman sobrang palabiro kong tao..
kasi naman sobrang torpe ko..
yan tuloy nadadaan ko lng sa biro..
yan tuloy di ka naniniwala sa akin..
pero ayoko naman sabihing andito lang ako lagi sa tabi mo..
ayoko sabihing andito lng ako palagi para sayo..
malamang kc di ka rin maniniwala..
baka isipin mo bola lng yan o isa lng sa mga biro ko..
sabi ng karamihan madaling sabihin mahirap gawin..
pero ako ang tao na may isang salita..
di ka man maniwala sa akin..
walang laway na sasayangin..
sana mapansin mo na gagawin ko..
di basta sinabi lng..
sa ngyon bago pa lng tau magkakilala kaya siguro di ka naniniwala..
sa ngayon di naman ako nagmamadali at gusto ko rin namang makilala ka ng lubusan..
marami pa tayong oras para mapatunayan kung totoo man o hindi ang mga sinasabi ko..
ayoko magmadali!
kasi kadalasan ang mabilisan mabilis din nawawala..
palabiro ka nga rin..
lagi mo nga rin akong napapatawa gawa ng mga biro mo,
kaya nman di ako nagsasawang kausap ka..
kahit wala ng sense ang pinag-uusapan natin,
patuloy pa rin tayong nag-uusap kahit pa abutin ng madaling araw..
kahit na nakakatulugan mo na nga ako minsan..
ok lang kasi alam ko naman di ka sanay magpuyat..
sana nga kahit papaano nakakatulong ako sayo malimutan ang nakaraan mo..
sabihin mo lng kung sawa ka ng kausap ako..
di na kita kukulitin..
basta pag kailngan mo ako andto lng ako..
ok lng kung di ka naniniwala..
di nman kita pinipilit na maniwala eh..
No comments:
Post a Comment