Bakit ba kita minamahal?
Bakit nga ba? Ang dami kong maaaring sabihin sayong dahilan. Pero kung iisipin may isang sagot lamang dito: Wala kasing dahilan para hindi ka mahalin.
Hindi ko sinasabi na perpekto ka. Aaminin kong may mga pagkakataon din na napapaiyak ako dahil sayo. Pero isinasantabi ko ang lahat ng iyon. Ang mas importante ay ang nararamdan kong pagibig sayo.
Ilang beses na kong umibig. Ilang beses na ring nakaranas na ibigin. Pero kahit kailan hindi pa ako naging ganito kasaya sa pag-ibig. Sa pagkakataong ito, ang gaan gaan ng pakiramdam. Ngayon lang ako umibig na sang-ayon ang pamilya ko sa taong iniibig ko. Pero hindi lang iyon, ngayon lang kasi ako umibig ng buong buo. Pag-gising ko ikaw, sa pagtulog ikaw, sa panaginip ikaw…palagi na lang ikaw. =) ( pero di ako nagrereklamo ha)
Ang daming kong ipagpapasalamat sayo:
Dahil sa yo nanunuod na ulit ako ng mga cheesy at mushy na romantic movies at hindi na ako nagiging bitter pagkatapos.
Dahil sayo hindi na mga sad songs at ‘getting over you’ songs ang pinakikingan ko.
Dahil sayo mas masaya ang pasko ko
Dahil sayo masaya ang mga gising ko sa umaga dahil alam kong mabibilang ko lang ang araw at magkikita na tayo ulit.
Dahil sayo nagfo-forward na ulit ako ng mga love quotes (feel na feel ko na kasi cya ulit hehe )
Dahil sayo may insiparsyon ako
Dahil sayo MASAYA AKO
Ganun lang kasimple yun: Masaya ako. Ibang klaseng kaligayahan lalo na at alam ko na napapaligaya din kita. Nabasa ko dati sa peyups na falling in love and staying in love is stupid daw. Kung totoo nga yon, I am the stupidest person siguro.
Hinahanap hanap ko dati yung happy ending ko…Mali pala, hindi pala happy ending ang makukuha ko.
Happy beginning pala –
Beginning kasi wala ng katapusan tong pagmamahalan na to.
Mahal kita!
No comments:
Post a Comment