Wednesday, June 29, 2005

Iniisip ko pa rin kung ano na ang nangyayari sa buhay ko...

Kung titingnan mo ang biodata ko, kakaiba...biruin mo, isang promdi na hindi man lang na-honor sa high school...nakapasok sa Ateneo at na DL pa ng makailang beses (hehe, yabang). Pagkagraduate na pagkagraduate, napasok kagad sa pinakamalaking kompanya ng inumin at pagkain sa pilipinas...
Nakakatuwa kasi kung iisipin napakasaya ng ginagawa ko...diba ang iba nagbabayad pa para lang makapunta sa concert, makapasok sa bar o kung ano mang event, pero ako, parte ng trabaho ko ang umattend ng mga concert at mga event...ako pa ang binabayaran...may libreng beer at pagkain pa palagi...

Grabe, ang bait ni Kuya Jess!

No comments:

Post a Comment