Ang galing ng parents ko eh. Natatandaan ko pa nung pasko ng 1991 wala akong regalo galing kay Santa, pero may aguinaldo naman na iniwan sa stockings namin ng kuya ko sa may pinto, at ang galing galing kasi may kasama pang sulat dun sa stockings. Nageexplain si Santa na kaya daw hindi nya kami nabigyan ng toys kasi binigay na niya lahat sa mga naapektuhan nung pagsabog ng Pinatubo. E kilala ko sulat ng Mom ko, sulat niya yun e, montik na silang mabuko kasi tinanong ko siya kung bakit sulat niya yung letter ni Santa, sabi sakin ng Mom ko, ginising daw siya ni Santa and pinasulat sa kanya yun dahil hindi pwedeng si Santa ang magsulat para hindi makita sulat niya para hindi madiscover kung sino siya. Naniwala naman ako. Nung medyo lumaki na lang ako saka ko narealize na ang galing magpalusot ng mom ko. Nakakatawa talaga sila.
May one time pa, usong uso yung mga dolls na lahat yata kaya ng gawin yung mga talking, eating, sleeping, walking doll. Yun yung hiningi ko kay Santa. Kaya nung pasko na excited na excited ako pagbaba ko sa may xmas tree namin, kita ko agad yung malaking box, alam ko na yun nay un. Kaya lang pagbukas ko malaking doll lang pala na pumipikit at dumidilat yung bigay ni Santa, sabi ko isosoli ko, mali yung bigay ni Santa, sabi ng Mom ko tama na yan kasi hindi ka ganun kabait this year kaya hindi niya binigay lahat ng gusto mo. Nakakatawa talaga, so tinangap ko na lang at minahal ko yung manika na yun. Pag tiningnan mo yung pictures ko ng buong taon na yun, palagi kong katabi si Matet (Matet yung pinangalan ko sa doll kasi sikat si Matet nun). Sa mga nakakakilala sakin at nakapunta na sa bahay namin, sigurado nakita nyo na si Matet kasi hangang ngayon nandun pa rin siya sa bahay, nakaupo sa sofa sa basement namin. Marami na ring tao ang natakot dun kasi nga malaki, akala nila multo o totoong bata na nakaupo sa sofa sa basement.
Ang saya saya talaga ng pasko nung bata ako. Tuwing December 30 pa pumupunta kaming Star City o Boom na Boom (wala pang Enchanted Kingdom nun) sobrang saya. Kulitan kami ng kulitan ng kuya.
Ang saya saya ng pasko ko dahil sa lahat ng ginawa ng magulang ko. Ang galing nila e. Sabi ko nga pag nagkaanak ako gagawin ko din yung ginawa ng parents ko para maenjoy nila talaga yung pasko. Ang dami dami kong ipagpapasalamat sa kanila.
At siympre pag malapit na ang pasko ibig sabihin malapit na rin ang birthday nila. Ngayong taon 60 years old na ang mommy ko. Bibilan ko siya ng cake at bulaklak pasasalamat ko sa lahat ng taon na binigay niya sa kin. Sa lahat ng taon na inalagaan niya ko. Alam ko kulang ang cake at bulaklak pero magiipon ako at pag nakaipon na ko ililibre ko sila ng Daddy ko, kahit saan nila gusto pumunta. Sana sana sana wag silang mawawala. Natatakot kasi ako, dumadami na yung mga sakit nila, hindi naman ako nagiisip ng kung anu ano pero natatakot lang ako na baka hindi ko magawa yung mga balak kong gawin. Basta Mahal na Mahal ko sila, kahit mataray ako, kahit hindi ko sila pinapansin minsan, mahal ko pa rin sila and wala na siguro kong makikita na the best na magulang. Yung tamang tama lang, tama lang yung paghihigpit na ginawa nila sakin at tama lang din yung kalayaan na binibigay nila sakin. Alam ko masyadong cliché pero tama nga sila na lahat ng ginagawa ng magulang mo para lang din sa kabutihan mo. Hindi ko man nakikita yun dati, ngayon alam ko na. Kaya salamat talaga sa kanila!
Happy Birthday Mommy (Dec. 12)