Tuesday, January 10, 2006

To you who taught me how to love….

I never thought that after all of this time I would still be in love with you. Everything happened so fast between us. I guess we probably felt pressured. Pressured and afraid that soon things would be changing and we feared that when the environment changes, we would also change. But one thing is for certain, I know that the feelings I felt for you never changed… after all that has happened, after all this time. And I know, I can feel that you feel the same way.

It would have been perfect if we could just begin again. Wipe the slate clean and forget everything that you have done, everything that I have done. I wish it was that simple. But I guess, relationships can never be simple. But then again, is it too late? No, I don’t think it is too late for us. I guess I am just afraid to take the risk again.

Pagtataya

Parang nasabi ko na yata dati na takot akong magtaya. Takot akong magtaya kasi natatakot akong masaktan. Kung tatanungin siguro ako ngayon kung takot pa rin akong magtaya, oo pa rin ang isasagot ko. Hindi naman mawawala ang pangamba ko na baka kapag nagtaya ako masaktan ako. Takot ako pero gagawin ko pa rin. Takot ako pero magtataya pa rin ako. Dahil para sa akin ang lahat ng desisyon na gagawin ng isang tao ay may kasamang pagtataya. Ang tao na hindi nagtataya, hindi gumagawa ng decision. Isang simpleng halimbawa, nakakita ka ng bagong putahe ng pagkain sa Jollibee, bibilin mo ito kahit hindi mo pa natitikman, kahit hindi mo alam kung masarap o hindi. Magtataya ka na bilhin yun kahit walang kasiguraduhan kung magugustuhan mo ba iyon, magtataya ka para lang matikman yun. At kung nalaman mo na hindi pala masarap, nalugi ka desisyon mo na bilhin yun pero ayos lang sa yo kasi may natutunan ka naman. Dahil doon nalaman mo na hindi pala masarap yun at hindi mo na bibilin yun ulit. Pareho din sa pagpili ng iibigin. Ang tao na umiibig palaging nagtataya. Itataya mo ang puso mo kahit walang kasiguraduhan kung kayo na nga ba habang buhay.

Mahigit isang taon pa lang ang lumilipas ng huli akong nagtaya. Matagal akong nagisip kung handa ba akong magtaya. Na kung sakali man, handa akong masaktan uli. Nakakatakot. Pero wala namang mangyayari sa akin kung hindi ako matututong magtaya. Kaya nagtapang tapangan na lang ako at nagtaya. Sabi ko sa sarili ko noon, kapag nasaktan na ako, ayoko na. Pero sa nakaraang taon paulit ulit akong nasaktan. Isang baldeng luha na nga yata ang iniyak ko. Pero bakit naninindigan pa rin ako sa desisyon na ginawa ko noon hanggang ngayon? Dahil naniniwala ako na habang lalo kang nasasaktan, lalo kang tumatapang. At bawat unos na daanan mo ay lalong magpapatibay sa yo. Sulit ba ang ginawang kong pagtaya kahit na ang daming panahon na nasaktan ako? Sulit na suilt pa rin. Hinding hindi ko pagsisisihan dahil kahit na may mga pagkakataong nasasaktan ako, mas marami namang mga panahon na hindi mo matutumbasan ang kaligayahan na naranasan ko. At hindi rin matutumbusan ang sarap ng alam mo na may umiibig sayo ng higit pa sa sarili niya.

Kahit ano pang sabihin nila, Sulit ang pagtataya!

No comments:

Post a Comment